panira
editorial (07Oct05)
HINDI na magkadaugaga ang gobyerno sa pagsagot sa katakot-takot na expose at eskandalo na ibinubunyag ng oposisyon.
Pero marami ring taga-gobyerno ang natutuwa kasi'y hindi napapansin ng MalacaƱang ang ilang kabulastugan sa pagtatalaga ng mga opisyal at ehekutibo sa iba't ibang kagawaran.
Kabilang dito ang pagdududa sa pagtatalaga kay Roseller Tolentino bilang district engineer sa first engineering district sa Quezon City sa ilalim ni DPWH Secretary Hermogenes Ebdane.
Kinukuwestiyun sa Ombudsman at Civil Service Commission ang kuwalipikasyon ni Tolentino pero pinagkatiwalaan pa rin siya ng isang maselang posisyon sa kagawaran.
Isa sa nagrereklamo sa appointment ni Tolentino si Rizal Provincial Board Member Rolando Rivera dahil nagkaroon ito ng mga kaduda-dudang transaksiyon sa naturang lalawigan pero imbes na masuspinde ay nabigyan ito ng promosyon.
Maging ang responsibilidad ng bagong district engineer sa kahabaan ang Commonwealth at buong Novaliches ay hindi nito nagagampanan dahil sa hindi pa rin naiaayos ang pambansang lansangan sa dami ng lubak, hindi maayos na paghuhukay at palpak na kalsada na nagiging dahilan ng nakababagot na trapiko partikular kapag umuulan.
Ang kaso ni Tolentino ay isa lamang sa maraming kapalpakan sa pagtatalaga ng mga bagong opisyal at ehekutibo sa gobyerno kung saan sinasamantala ng mga ito ang init ng eskandalo at expose laban kay Ate Glo.
Imbes na makatulong ang mga gabinete, sinisira ng mga ito ang kredibilidad ng pamahalaan dahil sa mga hindi kuwalipikadong opisyal na itinatalaga sa iba't ibang sangay ng pamahalaan.
Kung kailan ito matitigil--iyan ang isang malaking katanungang walang kasagutan.
Iyan ang malaking problema ni Ate Glo at mismo ni Juan.
--30--

0 Comments:
Post a Comment
<< Home