Saturday, October 08, 2005

layk fader, layk doter

editorial (09Oct05)

HINDI matapos-tapos ang intriga, eskandalo at mga expose kontra kay Ate Glo pero mistulang may bertud siya ni Palos dahil nananatiling kontrolado niya ang Palasyo.
Pero, marami ang nagtatanong: May nalalabi pa siyang limang taong singkad bago mag-expire ang termino sa 2010, makatagal kaya siya? Dapat ay magpamisa si Ate Glo sa pagpasok ng Enero, 2006 dahil nakalusot siya sa nakakanerbiyos na 2005!
Nangangahulugan kaya na bawat taon ay sasampahan siya ng impeachment complaint?
Isang depensa dito ay mismong kapanalig niya ang "magsusumite" ng reklamo bawat taon—at huhusgahan din ito ng kanyang mismong mga "kapanalig".
Sa biglang tingin ay epektibo ang modus operandi, pero mapanatili ba niya ang loyalty ng mayorya ng mga kongresista? Sa ngayon, wala nang jueteng, saan kukuha ng itutustos na padulas ang kanyang "secret ninong" upang manatiling sinusuportahan siya ng mga "buwaya"?Kung walang dambuhalang pork barrel ang mga kongresista, manatili kayang ipinagtatanggol ng mga ito ang interest ni Ate Glo?
Sa susunod na limang taon, mauubos ang kaban ng bayan para mapanatili sa Malacañang ang Reyna. Ito ang dahilan kung bakit sinasabing tipikal na "Cong. Dadong" si Ate Glo—inuubos ang termino sa sariling publisidad.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home