Saturday, October 08, 2005

Garci sa Baghdad

Bistado (10Oct05)

NAG-SUICIDE ang 4-kataong pamilyang Japayukis
sa Tokyo nang magutom ang mga ito dahil sa kawalan ng trabaho.
Pang-Holloween ang balitang iyan.

---$$---
NAGWARNING si Sen. Pong Biazon na MAG-AALSA na rin ang 10 AFP officers.
Ang problema, hindi pinaniniwalaan ng Malacanang ang dating ex-AFP chief.

---$$---
KALMANTE ang US na mananalo sa referendum ang YES VOTE sa Iraqi Constitution.
Iyan ay kung NAGTATAGO si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa BAGHDAD.

---$$---
MAY ulat na sisibakin na si PNP Chief Arturo Lomibao.
Nagamit na kasi siya NANG TODO.

---$$---
MAPEPERHUWISYO daw nang husto ang mga ralista at oposisyon
kapag ipinatupad ang Anti-Terrorism Bill.
Eh, kung mapapatalsik si Ate Glo, sila naman ang magiging OPOSISYON di ba?
Oh, e, di sa KANILA natin gamitin ang KAMAY-NA-BAKAL.

---$$---
HANDANG magbalik daw sa BUKID si Lt. Col. Alexander Balutan
kapag hinatulan siya sa COURT MARTIAL.
Huhhh, dapat masanay siya sa HOYO.
Mahirap maging SUNDALO.
Kailangang marunong kang MAGING TRAYDOR SA INANG BAYAN
—kung gusto mong maging HENERAL.

---$$---
NAWALA na raw ang jueteng.
Pero nagkalat naman ang VIDEO KARERA at VIDEO PRUTAS.
Pesteeeee!

---$$---
NATUWA si Ate Glo nang ibunyag mismo ng US
na may nag-ESPIYA sa Amerika para pabagsakin ang kanyang gobyerno.
He, he, he, hindi siya dapat MATUWA.
Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga TRAYDOR.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home