Tuesday, October 11, 2005

malalim na tinik

Editorial (12Oct05)

MAGRERETIRO ang mahigit 20 heneral sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at walang walang duda na makakaangat ang mga junior officers sa mas mataas na posisyon.
Hindi maiwasan ang pagbalasa kung saan maaaring ikatuwa ng ilang military officers at ikapikon naman ng ilang kabataang opisyal.
Iyan na mismo ang problema na hindi makakayang solusyunan ng commander-in-chief.Siyempre, itatalaga sa magagandang puwesto ang mga sepsep o may loyalty kay Ate Glo. At ibuburo naman ang mga pinaniniwalaan nilang sympathizers ng oposisyon—at susuriing mabuti ang idelolohiya ng mga outstanding officers.
Hanggang kailan magtatagal ang isang liderato na nakasandal sa “loyalty check” ang promosyon imbes sa performance sa trabaho?Mahirap sagutin yan. Sa malaon at madali, makokontrol ng mga kabataang opisyal ang maseselang posisyon sa hinaharap.
Kumbaga, pagkahaba-haba man din ng PRUSISYON—KUNG MATINIK AY MALALIM.Ngeekk!Hindi dapat mag-fiesta si Ate Glo.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home