Thursday, October 06, 2005

nabahag ang buntot

Bistado (07Oct05)

NABIYUDA na ang aktres na si Gloria Romeo nang yumao ang mister na si Juancho Gutierrez.
Malaya na siyang pumagitna sa kalsada kasama si Susan Roces at Amalia Fuentes.

---$$--
MARAMI ang nae-EXCITE sa paghahamon ni Bro. Eddie sa mga awtoridad na ARESTUHIN siya agad.
Nabahag ang BUNTOT ng mga pro-GMA.
----$$--
MISTULANG Martial Law ang iiral kapag ipinatupad ang anti-TERRORISM BILL.
He, he. he, sige pa, hindi pa NASASAGAD ang ngitngit ni Juan.

---$$--
INI-EXPORT ang Ifugao rice sa United States.
Isusunod na ibibiyahe ang mga IGOROT.

----$$--
AYON kay Madame Meldy, MASINOP na ipinundar daw ng kanyang pamilya ang MARCOS WEALTH.
Ha! Ha! Ha!

----$$-
NAKAAKYAT sa 27-foot na ituktok ng Himalayas Mountain ang isang grupo ng Pinoy mountain climbers.
Ipagdasal ninyo ang Pilipinas, ,MALAPIT NA KAYO SA LANGIT eh.

----$$--
IBINEBENTA ang Hacienda Luisita sa presyong P1 milyon kada ektarya.
Huhhh, parang ISDA sa palengke ang BUKID NI TITA CORY

----$$--
HINDI naniniwala ang AFP sa expose ni Sen. Miriam na may TETEPOK kay Ate Glo.
He, he, he, WALA NANG NANINIWALA sa "future Senate president".
Ganyan klase ang mga PRO-GMA.

----$$-
MADUGO ang ginagawang dispersal sa mga nagpoprotesta sa ngayon.
Talagang giyera-sibil ang nangyayari.

----$$$---
SASAMA raw si Bishop Oscar Cruz kay Bro. Eddie Villanueva sa loob ng bilangguan.
Basta't aircon daw ang karsel!

----$$--
KAPAG nagkulong si Villanueva, at nakalaboso rin si Eddie Gil sa isa ring hiwalay na kaso, nenerbiyusin na si Sen. Ping Lacson.
Lahat kasi ng NAKALABAN ni Ate Glo sa nakaraang eleksiyon, ay nakukulong--KUNG HINDI MAN NATETEPOK.

----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home