Monday, October 10, 2005

para saan pa?

Editorial (11Oct05)

MAUGONG ang ulat na inihahanda ang isang Executive Order na magpapairal ng “kamandag” ng Martial Law sakaling mapagtibay ang Anti-Terrorism Bill. Desidido ang Malacanang na gumamit ng kamay-na-bakal upang mapigil ang kumpirmadong pag-aalsa ng ilang kabataang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Malawak kasi ang kahulugan ng “terorismo” dahil hindi ito maaaring ikapit lamang sa mga “nanggugulo laban sa US” o tinatawag na imperyalismo kung saan itinatak na sa mga kalaban ng demokrasya tulad ng CPP-NPA-NDF.
Maaaring gamitin ang “depinisyon” ng terorismo sa pagtatangka na pabagsakin ang gobyernong Arroyo kaya’t ang unang maaapektuhan nito ay ang oposisyon na gagamit ng dahas. Iyan na ang malaking debate. Pero may “nangyari bang debate” nang patayin ang impeachment complaint sa Kongreso?
Sa totoo lang, tulad sa impeachment proceeding, magaan na magaan na mapagtitibay ang “Anti-Terrorism Bill” dahil ang sinumang kokontra ay ipakakalaboso--- dahil pagbibintangan silang TERORISTA.
Hindi patas ang deliberasyon sa Kongreso at nagmumukhang timawa naman ang mga senador at sundalo.
Sa totoo lang, hindi naman kailangang ideklara ang Batas Militar o pagtibayin pa ang Anti-Terrorism Bill kasi’y nagagawa naman lahat ni Ate Glo ang lahat ng kanyang kapritso—kahit walang batas. Kumbaga, para que?
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home