Wednesday, October 05, 2005

bitag

Bistado (06Oct05)

PINAAARESTO ng Malacanang si Bro. Eddie.
He, he, he, malapit na silang kumagat sa BITAG.

---$$---
KINASUHAN ang JIL founder ng ESTAFA.
Huhhh, inaakusahan siyang kamag-anak nina Dimas, Hestas at Barabas.

---$$---
HINDI raw magpi-PIYANSA si Bro. Eddie.
Korek ka dyan!

---$$---
KAPAG ikinalaboso ng gobyerno si Bro. Eddie, magkakaroon ng rallying point ang oposisyon.
Diyan na sila babagsak.

---$$---
MAS mainam na isabay ang pag-TAKEOVER ng gobyerno sa Hacienda Luisita sa Tarlac.
Magmimistulang APING-API rin si Tita Cory.
Na papabor muli sa kalaban ni Ate Glo.

---$$---
MISTULANG nasa kumunoy si Ate Glo.
Habang kumikilos lalong NABABAON.

---$$---
INIULAT sa internet na INATAKE ng US troops ang Western Iraq upang mabawi daw ito.
Huhhh, mabawi?Parang INARI na nila ang TERITORYO, baliktad yan.
Ang mga Iraqi ang babawi sa teritoryo na kinakamkam ng dayuhan.
Isang klase ito ng MALING PAGBABALITA ng mga reporter na MAKA-US.

---$$---
PAYAG na ang Malacanang na ipagbawal ang artificial birth control method.
YUMUKOD na ang gobyerno sa Simbahan.

---$$---
SA PILOSOPIYA ng creation at development ng human species--mali ang anumang klase ng family planning method.
Sa ngayon, mas marami ang MATATANDA kaysa sa mga bata.
Hihina ang produksiyon kapag uuugod-ugod ang PUNDASYON ng isang pamayanan.
At diyan papunta ang mga industrialized countries tulad ng Japan, Singapore, Britain, US at China.
Nagsisisi sila ngayon sa kanilang KALOKOHAN.

---$$---
PINIPIGIL ng mga developing nations ang paglobo ng populasyon ng "mahihirap na bansa"--dahil ang "tao" ang mismong KAYAMANAN ng mga ito.
At bilang "likas na yaman" ang tao--hindi nila ito MASYADONG MAE-EXPLOIT dahil may "ISIP".

---$$---
SA ngayon, ang No.1 export at pundasyon ng EKONOMIYA ng Pilipinas ay MANPOWER--na pawang kabataan na nasa iba't ibang bansa.
Kapag pinigil ang pagdami ng POPULASYON--mababawasan ang bilang ng mga OFWs dahil mao-OVERAGED sila.
Kailangan bang i-memorized yan?

---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home