Friday, September 30, 2005

matatag pa rin

Editorial (01Oct05)

NANINIWALA si Father Joaquin Bernas, dean ng Ateneo Law School na labag sa Konstitusyon ang Executive Order No. 464 na nilagdaan ni Ate Glo. Pinagbabawalan ng naturang direktiba ang lahat ng mga ehekutibo ng gobyerno; opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na dumalo sa mga pagdinig sa Kongreso nang walang pahintulot ni Ate Glo. Malinaw na sinasapawan ng naturang E.O. ang kapangyarihan at kalayaan ng Kongreso na magsasagawa ng mga pagdinig upang mapalutang ang katotohanan.Hinahanting ngayon kung sinong abogado ang “naglatag o gumawa ng draft” ng naturang direktiba dahil sa “kahinaan ng kukote”.
Sa totoo lang, hindi ang legalidad ng naturang direktiba ang isyu—kundi ang pagtatangka ni Ate Glo na PAGTAKPAN ang katotohanan.
Iyan ngayon ang pinakamalaki niyang kasalanan—sa mata ng Diyos at sa mata ng tao!Tuwirang may kaugnayan ang naturang direktiba sa talamak at garapalang pagsisinungaling ng administrasyon kung saan itinatago sa publiko ang katotohanan.
Dapat ay pumostura na nang todo at hindi na dapat magkunwari ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa deklarasyon ng mga ito na dapat lumabas ang katotohanan.
Pero, ang problema, maging ang CBCP ay nahahati sa dalawang paksiyon—isang kumokontra at isang SEPSEP sa Malacanang.
Habang nahahati ang mga Pinoy---nananatiling matatag si Ate Glo kahit pa sabihing nakapundasyon ang kanyang liderato sa pagsisinungaling.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home