Friday, September 30, 2005

Makoy na Makoy

Bistado (01Oct05)


LABAG sa Konstitusyon ang pagbabawal ni Ate Glo sa miyembro ng gabinete at sundalo na DUMALO sa Senate hearing nang wala siyang GO-SIGNAL.
He, he, he, MARCOS NA MARCOS ang ale.

---$$--
BATBAT ng corruption at kailegalan ang $503 million Northrail Transit system mula sa Caloocan hanggang Malolos.
At delikadong MADISKARIL ito.

-----$$--
IBINIGAY ni PNP Chief Arturo Lomibao kay Ate Glo ang isang MANIFESTO na nagpapatunay na sumusuporta ang buong puwersa ng pulisya.
Huhhh, eh, bakit, NAGDUDUDA ba si Ate?
Yan, na yan mismo ang NAGPAPAINIT ng tsismis sa KUDETA.

----$$---
IPINATUTUPAD na ang bagong SISTEMA sa trapiko kung saan limitado lamang ang biyahe ng mga BUS.
Panibagong KALOKOHAN na naman ere.

----$$--
NAUUBOS na raw ang TESTIGO ni Pareng Erap.
Aba, puwede naming pakiusapan si Philip Medel at Udong Mahusay ahh.

----$$--
HINDI na raw maaaring isubasta ang mga ALAHAS ni Meldy.
Hindi kaya UMITIN na lang yan ng mga kolokoy?

-----$$---
AATRAS na ang Japanese mula sa Iraq.
KOREK ang mga SAKANG.

------$$---
UMATAKE naman ngayon ang BABAENG SUICIDE BOMBER sa Iraq.
Sige, lipulin ninyo ang mga PAKIALAMERONG KANO.
Nang madala ang mga iyan.

----$$--
TINAMAAN ng bird flu ang dalawa pang PASLIT sa Indonesia.
Talagang nagpa-PANIC na ang mga INDONES.
Ang Pinoy, pakuya-kuyakoy lang!

-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home