Monday, October 03, 2005

palubog na barko

editorial (04Oct05)

NINERBIYOS na ang Malacanang!Ibinunyag ni Sen. Miriam na may planong itumba si Ate Glo. Nagdeklara sina Brig. Gen. Francisco Gudani at Marine Lt. Col. Alexander Balutan na nakahanda silang ibuwis ang buhay sa kanilang expose na nagkaroon ng dayaan sa 2004 election. Nauna rito, kinumpirma ng US embassy na naniniktik sila sa gobyerno at naghahanap ng posibleng ipalit kay Ate Glo.
Iisa lang ang malinaw ngayon---nanghihimasok na ang US at aktuwal nang may MILITARY COMPONENT ang pagpapatalsik kay Ate Glo.Ang dalawang maselang bagay na ito ang kulang sa kainitan ng "Hello Garci" controversy--pero mayroon na ngayon! Iyan ang dahilan kung bakit nagpa-panic ang Malacanang at umuugon muli ang kudeta. May mga ulat na may magaganap na kakaibang sitwasyon sa buwan ng Oktubre o kaya'y mababago na ang "tao" sa Malacanang bago mag-Pasko. Bukod sa pakikialam ng mga Kano at AFP, aktuwal nang mararanasan ang epekto ng krisis sa ekonomiya bunsod ng paglobo ng presyo ng petrolyo, kawalan ng trabaho, paglala ng kriminalidad, graft ang corruption, mataas na presyo ng bilihin at kalamidad sa pag-ulan at pagbaha. Malinaw na hindi nakatulong ang pagbasura sa impeachment complaint sa Kongreso bagkus ay nagpalubha pa ito ng sitwasyon.
Hindi rin naagaw ng isyu sa Charter Change at pagpapaliban ng Barangay election sa 2007 ang pagsusulong na mapatalsik si Ate Glo sa Malacanang.Ang mga sitwasyon ay dumidiretso sa katuparan ng iisang senaryo--PAGLUBOG NG BARKO!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home