Sunday, October 02, 2005

'di mapipigil

Editorial (03Oct05)

PINULONG bigla ni Ate Glo ang mga heneral at opisyales ng Philippine National Police (PNP) at kinansela ang isang mahalagang appointment. Dahil dito, nag-panic ang mga negosyante sa pangambang may kaugnayan ito sa tsismis sa kudeta. Sino ngayon ang nagpapaliyab ng mga balita na may maniobrang nagaganap sa Armed Forces of the Philippines (AFP)?
Ang tanong: May magagawa ba ang PNP sakaling magrebelde ang mga junior officers ng AFP?Ang sagot: Mayroon. Dahil isasarado nila ang North Luzon at South Luzon Exepressway upang pigilin ang troop movements bukod pa sa pagsasagawa ng mga checkpoints.
Pero, ang ganyang depensa ay epektibo lamang kapag kakarampot o ilang pulutong lamang ang mag-aaklas tulad sa Oakwood Mutiny. Paano kung bata-batalyong sundalo ang lumusob sa Malacanang—mapipigil kaya ng pulisya ang atake mula sa Air Force, Navy, at Marines. Paano kung commanding officer mismo ng mga military units ang maga-aklas?
Bakit, may nagawa ba si ex-PNP Chief at ngayon ay senador na si Ping Lacson nang tumalikod sa Commander-In-Chief ang mga traydor na pinamunuan ni ex-AFP Chief Angelo Reyes sa Edsa Dos?
Ang bulkan ay nag-iipon ng init at pressures bago SUMABOG---hindi ito napipigil ng alinmang puwersa ng PULISYA at MILITAR.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home