Saturday, October 01, 2005

anino ni Ninoy

Editorial (02Oct05)

ISANG malaking isyu ang kahilingan ng 5,000 magsasaka na makapag-ari ng lupa sa Hacienda Luisita sa Tarlac na pag-aari ng pamilya ni Tita Cory. Nakatakda kasing ipamahagi ng gobyerno sa mga lehitimong magsasaka ng naturang asyenda ang lupain na bahagi ng agrarian reform act. Pero, kumokontra dito ang Pamilya Aquino.
Sa totoo lang, ito mismo ang ugat ng pagtatangka ni Tita Cory na makialam sa pagpapalit ng liderato sa Malacañang upang hindi matuloy at maibinbin pa nang matagal ang pagkakaloob sa mga magsasaka ng naturang lupain.
Ito rin mismo ngayon ang gagamiting “pain o umang” ng Malacanang upang mapatahimik si Tita Cory na umaaktong lider ngayon ng oposisyon. Maselan ang isyu kasi’y hindi naman ngayon malaman ng mga militanteng organisasyon kung sino ang kakampihan: Si Ate Glo na kanilang pinapatalsik sa Malacañang o si Tita Cory na isang propitaryo na ayaw sumunod na agrarian law?
Kung babalikan ang panahon ng Rehimeng Marcos, pinaniniwalaang kumontra sa Martial Law si dating Sen. Ninoy Aquino kasi’y tinangka rin ni Makoy na itakeover at ipamigay sa magsasaka ang Hacienda Luisita—pero pineste ito ng pagtatag ng New People’s Army (NPA) kaya’t nahirapang ito panghimasukan. Ngayon, nagbabalik ang “anino” ni Ninoy sa katauhan ng kanyang biyuda. Ideklara na rin kaya ang Martial Law?
---30---


ANG

0 Comments:

Post a Comment

<< Home