Tuesday, October 04, 2005

reyna

Bistado (05Oct05)


ITINANGGI ni Brig. Gen. Danilo Lim na patatalsikin siya bilang puno ng First Scout Ranger Regiment na nakabase sa San Miguel, Bulacan.
He, he, he, mukhang TULIRO na rin ang mga military.

-----$$--
ITINIKOM nina Brig. Gen. Francisco Gudani at Lt. Col. Alexander Balutan ang kanilang bibig habang iniimbestigahan ng PROVOST MARSHAL.
Huhhh, baka naman madedbol kayo sa SUFFOCATION.

----$$--
NAKIKIUSAP ang PNP sa mga text brigades na huwag ikalat ang RUMOR sa kudeta.
Secret lang daw ito.
Ngekkkk!

-----$$--
AKTUWAL na Reyna ang ginawang pagtanggap ng mga Pinoy kay Miss International Preciouse Lara Quigaman.
Huhhh, puwede na siyang MAUPO sa Malacanang.
Malapit na kasing MABAKANTE!

----$$--
NAGPUGAY din sa Malacanang ang “Tatlong Hari” na sina Manny Pacquiao, Brian Viloria at Boom Boom Bautista—pawang world class boxing hero.
Iba talaga ang Noypi!

-----$$--
IDINEMANDA ng P20 libelo ni Rep. Rodante Marcoleta si ex-DSWD Sec. Dinky Soliman.
Tsk, tsk, tsk, di maubos ang ESKANDALO.

----$$--
WALANG sapat na suporta si Sen. Miriam upang mapabagsak si Sen. Frank Drilon bilang senate president.
Sa ngayon.
Eh, kung BUMAHA ng DATUNG?

----$$--
MAGKAKASALUNGAT ang opinion ng mga taga-PCGG kaugnay ng pagsusubasta sa “ALAHAS NI MADAME MELDY”.
I-tsek nyo muna, baka napalitan nay an ng FANCY.


-----$$--
INAMIN ng Hacienda Luisita na nakasanla sa limang bangko ang malaking bahagi ng lupain sa halagang P300 milyon.
At malapit na itong MAREMATA.
Paktaylo, farmers ka!

----$$--
NABABAHALA si DOJ Sec. Raul Gonzales na patayin si Ate Glo ng sariling BODYGUARDS tulad sa sinapit ni Indira Gandhi ng India.
Akala ko, baka patayin ng SARILING GABINETE.

---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home