Tuesday, October 04, 2005

kawawang Pinoy

Editorial (05Oct05)

IPINIPILIT pa rin ni Comelec Chairman Benjamin Abalos na dapat nang gamitin ang 1,000 vote-counting machines na binili ng ahensiya sa halagang P1.3 bilyon pero idiniklara ng Korte Suprema na illegal ang nagging proseso ng transaksiyon.
May katwiran si Abalos dahil hindi naman ang paggamit ng computer machines ang idineklarang illegal o ang mismong makina—kundi ang PRESOSO LAMANG NG BENTAHAN.
Ayaw nang isoli ng suppliers ang perang ibinayad sa kanila at ayaw na ring tanggapin muli ang mga makina na nananatili sa pangangalaga ng Comelec. Dapat ay gumawa ng special task force si Ate Glo upang suriin ang teknikalidad ng naturang kaso upang hindi maaksaya o mauwi sa bula ang kuwarta ni Juan de la Cruz.
Ang kapabayaang ito ng Malacanang ay isang klase rin ng pagwawaldas sa kaban ng bayan. Imbes na ayusin ang gusot, naglaan ng panibagong P1.6 bilyon si Budget Secretary Romulo Neri para modernisasyon ng election process bilang preparasyon sa 2007 election. Nangangahulugang ito isinantabi na lamang ang P1.3 bilyon?Nakakatiyak ba tayo na maayos din ang procurement sa panibagong P1.6 bilyong pondo?
Paano kung ideklara uli ng Korte Suprema na illegal ang transaksiyon.Kaawa-awa ang Pinoy, pinaglalaruan lamang ng matataas na opisyal ng bayan.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home