Saturday, October 01, 2005

'di patas

bistado (02Oct05)

PINURI ng Hyatt 10 ang pagrerebelde ni Brig. Gen. Francisco Gudani.
He, he, he, dumarami kasi ang kanilang KABALAHIBO.

---$$---
DUMARAMI ang smuggling ng MOTORBIKES
dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Marami na naman ang BIGLANG YAYAMAN.

---$$---
HINDI iniiwanan ng ESKANDALO ang administrasyong Arroyo.
At mahimalang NALULUSUTAN lahat. Sa ngayon!

---$$---
MAGING si Sen. Miriam Taray, este Santigo ay kontra sa Exec. Order
na nagbabawal sa mga gabinete na tumestigo sa Senate hearing.
Isang klase kasi ito ng PAMBABASTOS at PAMBABRASO.

---$$---
OKTUBRE na.
Buwan ito ng mga senglot.
As in OCTOBEERFEST.

---$$$---
NAKAPAGTATAKANG hindi kasama si Vice President Noli de Castro
sa iimbestigahan kaugnay ng Northrail Transit gayong libo-libong SQUATTER
ang nasadlak sa dispalinghadong RELOKASYON.
Kasi’y katropa niya si Senate President Frank Drilon
at Sen. Manny Villar. Hindi talaga PATAS ang batas sa Pinas.

---$$---
TAPOS na ang Setyembre na pinakamaselang buwan sa panahon ng krisis.
Sa buwan ng Oktubre, ay ilalabas na kasi ang KUWARTA
ng mga negosyo na mamumuhunan sa mga X’MAS goods.
Papaganda na ang takbo ng ekonomiya hanggang Pasko.

---$$---
MAY ilang kompanya naman na nagbibigay na ng 1st installment
ng kanilang X’Mas bonus sa katapusan ang Oktubre
at ang kalahating maiiwan ay ibibigay sa Disyembre.
Huhh, unti-unti nang mapupuno ang mga mall.

---$$---
DAHIL sa “no permit, no rally policy”, ililipat na lamang ng mga militante
ang kanilang PROTESTA sa mga mall.
At mas okey dito. Kasi’y MALAMIG at parangPasko ang simoy ng hangin.

---$$---
MAY diarrhea ourbreak sa Catanduanes sa Bicol.
Napuno na raw ang mga KUBETA.

---$$---
ISANG Pinay OFW ang ginilitan ang leeg sa Spain
at inihulog naman mula sa tuktok ng gusali ang isa pang OFW sa Singapore.
Ang gobyerno, tameme lamang sa insidente.

---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home