Thursday, October 20, 2005

delikado pa sa bird flu

editorial (22Oct05)

BABALIK na sa bansa ang kontrobersiyal na si dating Manila Rep. Mark Jimenez matapos pagdusahan sa bilangguan sa United States nang may 27 buwan ang kasong PAMIMIGAY NG REGALO sa mga US presidents.
Walang anumang kaso sa Pilipinas si MJ kaya’t malaya siyang makakakilos pagdating sa Maynila. Inaasahang magbibigay ng malaking sakit ng ulo si MJ kay Ate Glo kasi’y ibinunyag nito at nagsisilbi siyang testigo laban kay dating Justice Secretary Nani Perez kaugnayan ng “lagayan” blues sa mga kontrata sa pamahalaan.
May ulat na sinadya ng United States na pabalikin si MJ sa Pilipinas upang patuloy na guluhin ang administrasyong Arroyo tulad sa kontrobersiyal na pagsasampa ng kasong ESPIONAGE kay Michael Ray Aquino at Leandro Aragoncillo.
Kapansin-pansin ngayon ang “ANINO NG KANO” sa maseselang kontrobersiya at eskandalo na yumayanig sa Republika ng Pilipinas. Maging si Ate Glo ay kaawa-awang biktima ng modus-operandi ng Amerika na hawakan sa leeg ang ating Inang Bayan.
Nakapagtataka naman na walang sinumang heneral o military na nagtatangkang sagipin ang Republika mula sa kuko ng mga dayuhan. Hindi kaya maging ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay kontrolado na rin ng US spies? Iyan na ang delikado, higit pa sa bird flu!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home