Tuesday, October 18, 2005

maunawaan sana

Editorial (19Oct05)

LANTARANG binatikos ng kanyang religious adviser na si Bro. Mike Velarde ng El Shaddai si Ate Glo dahil sa hindi maayos na dispersal scheme kontra sa mga demonstrador kung saan binomba ng tubig ang mga lider-ralista.
Nagbanta si Velarde na na lalong magugulo ang larangan ng politika sa bansa dahil sa naturang aksiyon ng pulisya. Kasabay nito, naghihintay naman si Jesus Is Lord (JIL) Fellowship Bro. Eddie Villanueva na arestuhin siya ng mga awtoridad dahil sa mandamyento de aresto na inilabas ng korte.
Tinatayang kapwa may tig- 5 milyong miyembro at panatiko sina Velarde at Villanueva.
May magagawa kaya si Ate Glo kapag nagsanib ng puwersa ang El Shaddai at JIL kung saan maaaring pumagitna sila sa iba’t ibang pambansang lansangan?
Ilang bumbero ang gagamitin ng pulisya? Hindi kaya masimot ang tubig sa Angat Dam kapag binomba sila ng water cannons?
Sa totoo lang, hindi ang paraan sa dispersal ang susi upang matigil ang protesta kundi ang maayos na pagsagot sa karaingan ni Juan.
Maunawaan sana ito ni Ate Glo bago mahuli ang lahat!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home