Wednesday, October 19, 2005

hawak na ng Kano

Editorial (20Oct05)

MANANATILI sa Pilipinas ang 4, 500 US troops. Hindi pa kasama ditto ang sekretong pagpasok ng Australian military agents. Hindi mabuti sa isang may soberaniyang bansa ang magkaroon ng foreign troops.Isang sampal ito mismo sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Pero sa totoo lang, walang lakas ng loob na pumalag o kumontra ang Republika ng Pilipinas sa kapritso ni Uncle Sam. Kasi’y nakapasok mismo sa loob at labas ng burukrasya ang mga doble-karang American spies na maaaring magpagewang ng administrasyong Arroyo.
Pinakamalinaw na eksampol dito ay ang kontrobersiyal na pagsasampa ng kasong ESPIONAGE kay Michael Ray Aquino kung saan iniulat na bumaliktad na at “kumanta” si Leandro Aragoncillo.
Kung hawak ng US operatives si Aragoncillo, ang mga official statements nito ay maaaring MAGPAGUHO sa ating Republika. Dahil sa kasong “espionage”, hawak-hawak ng ng mga Kano ang ilong ni Juan.
Kumbaga, walang magagawa ang ating Inang Bayan kundi ang kusang MAGPAGAHASA sa mga dayuhan. Wala ring matipunong PRINSIPE ang maaaring magtanggol at magligtas sa ating soberaniya kasi’y tameme ang ating Sandatahang Lakas na proteksiyon ang ating Konstitusyon. Sa pananatili ng US troops, mag-antay na lang tayo ng daan-daang Fil-Ams sa susunod na siyam na buwan.
---30---

1 Comments:

Blogger bing said...

nakakalungkot na matagal nang ginagahasa ng mga Kano ang Pilipinas... nakakalungkot na magpahanggang ngayon walang matinong lider ang ating bansa at wala ring mahanap dahil may kanya-kanyang agenda.

kultura ba ito na hindi na alam ng mga Pilipino na sila ay isang lahing malaya na? ano kaya ang dapat talagang itawag dito?

kung umalma man ang sambayanan sa mga mapagsamantalang Kano, ano ang kinabukasang naghihintay? at kaya ba ng mga Pilipino ang pumalag kay uncle Sam?

isang pananaw lamang...

Wed Oct 19, 07:55:00 PM  

Post a Comment

<< Home