Monday, October 17, 2005

religious revolt

Bistado (19Oct05)



NAG-ALBURUTU na rin si El Shaddai founder Bro. Mike Velarde dahil sa pambobomba ng water cannons kay ex.Vice President Tito Guingona, Sen. Jamby Madrigal at mga Catholic bishops.
Tsk, tsk, tsk, NABABAWASAN na ng supporters si Ate Glo.

-----$$---
BINATIKOS ni PNP Chief Arturo Lomibao ang MEDIA sa paglalabas ng NEGATIBONG IMAHE ng mga parak.
Huhhh, mukhang nagpa-PANIC ang mama.

-----$$$--
LOLOBO daw ang produksiyon ng palay bago matapos ang taon dahil sa kawalan ng UNOS at peste sa pananim.
Pero, patuloy pa rin ang pag-IMPORT ng bigas.
Eh, baketttt?

----$$---
UMABOT sa 50,000 ang kumpirmadong namatay sa malakas na lindol sa Pakistan.
At marami pa ang TINUTUNGKAB sa mga gumuhong gusali.

----$$$---
BUBUSALAN daw ang media.
Ummmph, uhhhh, umphhhh!

-----$$---
MAGSASAGAWA ng long march ang mga anti-GMA.
He. He, he, kokopyahin nila si MAO TSE TUNG.

-----$$$---
HINILING sa Sandiganbayan na ilipat si Pareng Erap mula sa Tanay, Rizal tungo sa kanyang bahay sa San Juan, MetroManila.
He, he, he, para siguro madaling MAKABALIK sa Malacanang anumang oras.

----$$$---
MATAPOS magretiro, isa na ngayong bible preacher si Brig. Gen. Francisco Gudani.
Huhhh, may bago kang karibal sina Bro. Mike, Bro. Eli at Bro. Eddie.
Siya si BRO. FRANK!

----$$$--
IPINAGBABAWAL na mismo ni Ate Glo ang TELEBABAD sa mga government employees.
Kasama kaya ang TELEPHONE BRIGADE sa mga radio stations?

-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home