Wednesday, October 19, 2005

pekeng rekord

Bistado (20Oct05)

NAGSUMITE ng medical leave si National Security adviser Norberto Gonzales.
Tama yan, kaysa ATAKEHIN siya sa puso o kaya ay MALASON nang walang kalaban-laban.

----$$---
NAISUBASTA sa halagang $1,300 sa United Nations fair
ang isang Manyikang Pinoy na nakasuot ng MARIA CLARA GOWN.
Huh, akala ko nakasuot ng T-BACK.

---$$$---
MARAMI raw estudyante ang peke ang high school records
na ginagamit sa pagpasok sa KOLEHIYO.
Hindi kaya marami dito ay naging CONGRESSMAN at SENADOR?

---$$$---
IPINATIGIL ni Vice Noli de Castro ang demolition
sa mga bahay sa Commonwealth Avenue
upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.
Good move. Kunwari.

---$$---
PAPAYAGAN daw ang Australia troops na hantingin
ang mga TERORISTA sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Nakupp, pati PARAK ay IMPORTED na rin.
Ano ba yannnnnn?

---$$---
PINAYUHAN ni ex-president FVR ang mga MATATANDA:
“Don’t let yourselves be used”.
Hayaan mo, sasabihin ko yank ay ex-FL MING RAMOS.

---$$---
NAKABALIK na sa lupa ang Chinese astronauts.
Sakaling magka-GIYERA, alam na nila kung saan sila MAGTATAGO.

---$$---
UUBOS ang US troops ng P5.6 milyon sa 17 araw na pananatili sa Pilipinas.
Kasama kaya ditto TIPS sa mga GROs?

---$$---
HABANG tumatagal nababaon sa problema si Ate Glo.
Nakakatulog pa kaya siya nang MAHIMBING?

---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home