Thursday, October 20, 2005

mapipigil ba?

Editorial (21Oct05)

KINUMPIRMA ng Meralco na magtataas sila nang 60 centavos kada kilowatt-hour na konsumo sa elektiridad dahil sa implementasyon ng expanded value added tax matapos pagtibayin ito ng Korte Suprema.
Inaasahan namang magpapatong nang P3.21 kada litro sa liquified petroleum gas (LPG); P 3.40 kada litro ng premium gasoline; P2.80 kada litro sa regular gasoline; at P1.17 kasa litro ng diesel. Walang duda na magsusunuran sa pagtaas ang singil sa pasahe sa taxi, dyip, bus at tricycle. Siyempre, lolobo rin ang pamasahe sa barko at eroplano! Hindi mapipigil kung gayon ang pag-angat din sa presyo ng pangunahing bilihin na tuwirang eepekto sa ordinaryong Pinoy. Walang matitira sa suweldo ng mga obrero at kung itataas muli ang kanilang monthly salary--maraming kompanya ang magsasarado. Marami ang mawawalan ng trabaho, at milyon-milyon Pinoy ang magkakasakit dahil sa malnutrisyon. Milyon din ang magugutom at babawian ng buhay dahil sa kawalan ng pagkain at pambili ng gamot!
Paano mapipigil ni Ate Glo ang nag-aalburutong Pinoy? Deklarasyon ng "State of Emergency" at Martial Law ang sagot dito. Dumating ang kinatatakutan ng lahat. Iyan ay kung magpapatiuna ang militar sa isang madugong kudeta.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home