Wednesday, October 05, 2005

gasolina sa apoy

Editorial(06Oct05)

TAMA ang desisyon ng founding leader ng Jesus Is Lord (JIL) Fellowship na si Bro. Eddie Villanueva na huwag magpiyansa sa kasong estafa na nakasampa sa Department of Justice (DOJ). Ipinadarakip ni DOJ Sec. Raul Gonzales kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Reynaldo Wycoco si Villanueva anumang oras.Isang ebidensiya ito ng kabulukan ng justice system ng bansa.
Hindi ba't ordinaryong kaso ang estafa sa panahon ng krisis, sa libo-libong suspected na estapador--bakit si Bro. Eddie lang ang binigyan ng espesyal na aksiyon ng DOJ at NBI?Magmimistulang engot ngayon ang gobyerno kapag inaresto ni Bro. Eddie kasi'y makakakuha ito ng milyon-milyong symphatizers na muling magpapagulo sa lipunan. Kumbaga sa Istorya ng Pagong at Matsing, ihahagis ng gobyerno si Bro. Eddie sa larangan na kanyang matagal nang pinapangarap--maging MARTIR SA MATA NG MASA.
Alam kaya ng marami na isang orihinal na aktibista si Bro. Eddie at hindi natatakot na makulong at may malalim na pundasyon sa IDEOLOHIYA higit kina Gonzales at Wycoco?Kung inaakala ng mga adviser ng Malacanang na makakaagaw ng eksena ang pagdakip kay Bro. Eddie sa isyu ng pagbubunyag nina Brig. Gen. Francisco Gudani at Lt. Col. Alexander Balutan--ay nagkakamali sila. Lalong mag--aapoy ang isyu sa kabulukan ng administrasyong Arroyo tulad ng pagsaboy ng GASOLINA sa nasusunog na KABAHAYAN.
-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home