Saturday, October 22, 2005

giyera patani

bistado (23Oct05)

IBINEBENTA na ng mag-asawang Rep. Jules Ledesma at actress Assunta de Rossi ang kanilang hacienda sa halagang P222 milyon.
Huhhh, gayahin kaya ito ni Tita Cory?

---$$---
LANTARAN nang pinabababa sa puwesto ni FVR si Ate Glo.
Iyan na ang totoong GIYERA-PATANI.

---$$---
IMINAMANIOBRA na rin ang pagsibak kay Speaker Jose de Venecia.
Iyan ay kung kaya ninyong TAPATAN ang kuwarta ni Kuneho.

---$$---
UUWI na sa Maynila si Rep. Mark Jimenez.
He, he, he, may FINANCIER na ang katunggali ni JDV.

---$$---
BINUBUSALAN na ng Malacanang ang mga BROADCASTER at DIYARISTA.
Huhhh, napipikon na ang mga Lintekkk!

---$$---
NASUGATAN ang walong katao sa dispersal ng ralista kahapon.
He, he, he, marami pang kasunod yann.

---$$---
ITSINITSISMIS na bumuwelo na ang isang full-military takeover sa gobyerno.
Higit pa ito sa deklarasyon ng Martial Law.

---$$---
BAKIT daw walang nagtatagumpay na kudeta.
Wala kasing SUNDALO na handang MAGBUWIS ng buhay.
Lahat sila ay GUSTONG MAKAAGAW lamang ng poder.
Para mangurakot din.
Bwisettttt.

---$$---
BAKIT daw walang US troops na nagsu-SUICIDE BOMBER?
Iyan ang ebidensiya ng pagiging DUWAG.

---$$---
ITATAAS na rin ang singil sa kuryente at tubig.
Pukawnamoooooo!

---$$---
PERO tiniyak na ITAAS din ang suweldo ng mga obrero.
Kunwari.

---$$---
MARAMI nang traysikel boy ang tumigil sa pamamasada.
At taxi driver na hindi na rin naghahanap buhay.
Pero dumami naman ang mga MAGNANAKAW.
Simpleng bumago lang sila ng LARANGAN.

---$$---
PERO ang mga parak, kahit maliit ang suweldo ay nakakatagal.
Karaniwang kasi sa kanila ay may SIDELINE---holdaper sa gabi!

---$$---
NAGLIPANA ang sangkatutak na prostitutes.
Binargeyn na rin nila ang presyo.
Isang KILONG-BIGAS kada TIHAYA.

---$$---
PERO hindi dapat matuwa ang mga MABOBOGLI sa mababang singil ng mga PUTA.
Kasi'y puwedeng MAY PASUNOD pa itong VD at AIDS virus.

---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home