Thursday, October 20, 2005

tanda ng wakas

Bistado (22Oct05)


IMPOSIBLE nang maisali ang BASKETBALL sa Southeast Asian Games na idaraos mismo sa Maynila.
Isa itong TRAHEDYA sa RP sports.

---$$---

NAGHIHINTAY kay Manny Pacquiao ang $4 million sa rematch kay Erik Morales sa Enero 21 sa Las Vegas, Nevada.
Puwede nang bilhin ni Pacman ang buong Mindanao.

---$$---
NAKAPASOK na rin ang BIRD FLU sa Romania matapos makumpirma ang avian influenza sa Turkey.
Malinaw na nahawa na ang EUROPE sa epidemya na kumitil ng 60 katao at milyong milyong manok sa Vietnam, Thailand at Indonesia.

---$$---
HINDI matanggap ng mga world experts na HOPELESS sila sa pamemeste ng bird flu sa buong mundo
Iyan na ang TANDA ng WAKAS.

---$$---
IKINUKUMPARA ng Malacanang ang EVAT
bilang isang MAPAIT NA GAMOT sa krisis sa ekonomiya.
Dapat maunawaan ni PGMA na hindi tumatalab ang droga
kahit gaano ito kapait sa isang dumaranas ng KANSER.
Kailangang putulin ang paa, kamay o bahagi na kumikirot.

---$$---
Kung nasa ulo ang KANSER.
Madededbol ang pasyente!
Kung ayaw magpaputol ng ulo ang pasyente, SISIBAKIN na lamang nito ang DOKTOR.
Iyan iyan ang katumbas ng KUDETA at rebolusyon.

---$$---
KAILANGAN patunayan ng Malacanang na magagamot ng EVAT ang kanser.
At diyan pumapasok ang taning:Hanggang Pasko lang!

---$$---
NAHAHATI na rin ang mga Catholic bishops dahil sa pakikialam sa politika.
Sabi sa bibliya: Kapatid-sa-kapatid, ngipin-sa-ngipin!

----$$--
BUWAN ng Holy Rosary ngayon.
Tumalab kaya ito sa problema ni Ate Glo?

----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home