Wednesday, September 28, 2005

hayaang malasing

Editorial (29Sep05)

MAHIGPIT na ipatutupad ni Ate Glo ang "No Permit, No Rally policy". Taliwas ito sa ipinagmamalaking "maximum tolerance" sa panahon ng demonstrasyon.
Malinaw dito na may halong pananakot sa publiko ang naturang patakaran.
Paglabag din ito sa karapatan ng mga mamamayan sa malayang pamamahayag.
Isang buwelo ito sa deklarasyon ng State of Emergency at Martial Law.
Nabunyag din na bumubuwelo ang administrasyong Arroyo ng pag-takeover o pagkontrol sa mga oil companies at iba pang negosyo kapag naging grabe ang krisis bunga ng paglobo ng oil price sa world market, pag-atake ng bird flu at panggugulo ng mga terorista.
Ang mga senaryong ito ay tuwirang naglalarawan ng eksena sa panahon ng Batas Militar. Masyado kasing lumaki ang ulo ni Ate Glo nang "patayin" ang Impeachment complaint sa Kongreso. At ang sobrang kapangyarihan ay NAKALALASING at NAKABABALIW.
Sa bagay, hayaan natin siyang MALASING at ipagdasal nating mahulog na lang sila sa KANAL ng kabiguan at kahihiyan sa mga susunod na araw. Sila kasi ang tunay na ugat ng ating problema.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home