Wednesday, September 28, 2005

pati pantylet?

Bistado (29Sep05)

AABOT sa P8 bilyon ang presyo ng mga alahas,gowns, at sapatos ni Madame Meldy kapag isinubasta.
Kasama kaya dito pati PANTYLET?

---$$--
KONTRAang mga pro-GMA solons sa pag-TAKEOVER ng gobyerno sa mga oil companies kapag nagdeklara ng State of Emergency.
Iyan ay kung hindi SILA BABAYARAN.

---$$$---
PINAKAKANSELA ng Malacanang ang mga PAGDINIG sa Senado kaugnay ng serye ng mga EXPOSE sa mga KATIWALIAN.
Talaga hawak nila sa LEEG ang mga kolokoy at kolokay.

-----$$--
BINURA ang mga laman ng SURVEILLANCE CAMERA kung saan makikilala ang NAGNAKAW ng mga ballot boxes sa Kongreso.
Sino ang may sabing MAY KATARUNGANsa Pilipinas.
Letseeeee!

----$$--
HINDI muna maglalabas ng hatol ang Department of Agrarian Reform (DAR) kaugnay sa karapatan ng mga MAGSASAKA sa Hacienda Luisita.
Baka kasi’y MAPABALIKTAD pa si Tita Cory.
Iyan mo ang demokrasya sa Pilipinas.

----$$-
DUMARAMI ang bilang ng NABIKTIMA ni Hurricane RITA sa US coast.
Pinarurusahan talaga ni Lord ang mga Kano.

---$$--
NAKAREKOBER ang Pinoy boxer na si Tranquilino "Ayon" Naranjo na isinugod sa ICU sa isang ospital sa Tokyo matapos ang isang featherweight bout.
Ganyan kadelikado ang buhay ng iyong boxer.

-----$$--
BAWAL na raw ang mag-rally nang walang permiso.
Pero puwede pang MAGNAKAW sa gobyerno nang walang paalam.

----$$--
ISANG SPO1 Francis Corpuz ng Pandi Police Station sa Bulacan ang inireklamo ng PANUNUTOK ng baril ng isang traffic enforcers sa katabing bayan ng Balagtas, Bulacan.
Namamasada ng dyip si Corpuz pero umaasta-asta itong SIGA-SIGA sa kabayanan ng Balagtas. Bakit NAKAPAGDADALA ng BARIL si Corpuz kahit hindi nakauniporme?
PNP Chief Arturo Lomibao, hindi pa puwedeng masibak ang katulad ni Corpuz na mistulang isang MATON?
------30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home