Thursday, November 03, 2005

maawa naman kayo!

Editorial (o4Nob05)

TUMAAS na ang presyo ng condensed milk, fruit cocktail at iba pang gatas. Maselan ang pagtaas nito, kasi ang mga nagdarahop pamilya na walang pambili ng mga mamahaling infant formula para sa kanilang malnourished na sanggol ay nagkakasya lamang sa ganitong pagpapasuso kay baby.
Kapag naubos ang gatas na kondensada, sasalitan na lamang ito ng kape para huwag umiyak sa baby. Kaawa-awa ngayon ang buhay ng mga sanggol. Dapat ay gumawa ang gobyerno ng sistematikong programa upang matukoy nang aktuwal at malinaw kung sino-sino o alin-aling pamilya ang nagdarahop sa kasuluk-sulukang barangay sa buong bansa.
Hindi na pinag-uusapan dito ang pagtitipid o pagtatrabaho kundi kailangang sagipin sa malnutrisyon, pagkakasakit at pagkamatay ang mga sanggol na maaapektuhan ng implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).
May istatistika o record ba ang Department of Social Services ang Development (DSWD) kung alin-aling pamilya ang may bagong silang na sanggol? Dapat ding matukoy ang mga paslit na wala pang edad siete-anyos upang matulungan sila na mabigyan ng masusustansiyang pagkain.
Dapat ay ilaan ng gobyerno ang ilang PORSIYENTO ng kikitain sa EVAT upang mabigyan ng libreng pagkain ang mga kabataang nagdarahop.
Ipagdasal nating seryosohin ng gobyerno ang mungkahing ito.
Para na nilang AWA.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home