Sunday, October 30, 2005

usapang kaluluwa

Editorial (31Oct05)

KAHIT bisperas pa lamang ay dinudumog na ng mga debotong Katoliko ang mga sementeryo upang gunitain ang alaala ng minamahal nilang yumao.
Sa kabila ng mahabang tradisyong ito ng mga Kristiyano, nananatiling pa ring bigo ang siyensiya na patunayan na may kaluluwa ang isang tao.
Wala pang scientist ang nakakaimbento ng panukat upang maipasok sa test tube ang kaluluwa ng indibidwal—at nakapagtatakang walang nagtatangka!
Mahalagang matukoy at masaliksik ang pisikal na aspekto ng kaluluwa na karaniwang inilalarawan na isang maputing USOK—kung usok, e dib a dapat itong masukat?
Malinaw ngayon na ang kaluluwa ay bahagi lamang ng doktrina ng mga relihiyon at sa modernong henerasyong ito, maaaring dumating ang araw na malimutan ng mga musmos at kabataan sa hinaharap ang ganitong paniniwala.
Marami nang kabataan ang nilalamon ng iba’t ibang teknolohiya bunga ng pagdagsa ng mga bagong imbensiyon at inobasyon sa cyber science.
Isang malaking paghamon sa mga religious leader na paigtingin ang doktrina kaugnayan ng kahalagahan ng “kaluluwa”—ito lang kasi ang hindi napanghihimasukan ng modernong teknolohiya.
Sa pagsasaliksik sa kaluluwa, doon lamang natin, mare-realize ang pagkakaroon ng isang DIYOS.
Kapag hindi natin ito ginagawa, mabubuhay ang mga kabataan sa mga susunod na henerasyon nang hindi nauunawaan ang kaluluwa at kikilos sila na mistulang WALANG DIYOS!
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home