Saturday, October 29, 2005

halang ang kaluluwa

Bistado (30Oct05)

BUMUWELO na ang Cebu at Capiz kontra sa BIRD FLU.
May TAMA kayo dyannnnn!

------$$---
UMAATAKE na naman ang typhoid at diarrhea.
Prutttt, purutttttt!

-----$$---
INAAKUSAHAN si ex-Vice President Tito Guingona na kakutsaba ng mga KOMUNISTA.
Eh, baka na-INDOKTRINAHAN nang mag-AMBASSADOR siya sa China.

----$$--
ITINUTURO si ex-President FVR na nagpapakana ng KUDETA.
Dati na yan napupurnada lang.

------$$---
NANANATILI pa ring may hatak sa tao si Pareng Erap.
Puwede na siyang GUMAWA muli ng Pelikula

------$$--
IDINEPENSA ni Philip Salvador ang kaibigang actor na si Rudy Fernandez dahil hindi raw ito manununtok nang WALANG RASON.
Oh, pati si RASON ay idinamay mo pa!

-----$$$---
ANUMANG oras daw ay makakapasok sa Pilipinas ang bird flu.
May paraan ba para mapigil ito?
Ayon sa mga eksperto ay WALA.
Mapapatagal lang ang epekto.

------$$$---
NAGBABALA ang Philvolcs na maaaring magkaroon ng malakas na lindol na wawasak ng maraming GUSALI sa MetroManila.
Hindi sila nalalayo sa hula ni Madame Auring.

------$$$---
GITGITAN ang mga umuuwi sa mga lalawigan.
Ingat kayo, baka masabit ang KUWINTAS sa pako ng bus—ay MABIGTE pa kayo!

-----$$$---
GUGUNITAIN sa Nobyembre 1 ang kaarawan ng mga MATATAAS NA OPISYAL NG GOBYERNO.
Ito kasi ay ARAW NG MGA HALANG ANG KALULUWA.

-------$$---
NAPANAGINIPAN kong namatay ako kahapon ng madaling -araw.
Natawa ako nang mapansin kong hindi pala totoo!
Walang duda, MALAKING PAGBABAGO ang magaganap sa buhay ko sa mga susunod na araw.
Pero, natakot din ako kasi Todos Los Santos na bukas.
Ngiiiiii, ngiiiiii.

-------30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home