Sunday, October 30, 2005

Pichay vs JDV totoo ba yan?

Bistado (31Oct05)


MALINAW na nanghihimasok na ang mga Kano sa gobyerno ng Pilipinas.
Sintomas ito ng isang DAMBUHALA at BIGLAANG pagbabago sa mga susunod na araw.

-----$$$---
SUNOD-SUNOD na ang awiting Pamasko sa radio at telebisyon.
Kay lungkot na Pasko!

-----$$$---
MASYADONG malapit ang distansiya ng planetang Mars sa Earth.
Nangangahulugan ito ng GREAT CHANGES sa mga Aries, Scorpion at mga isinilang sa petsang 9, 18, 27.
Huhhh, kasama ako dun ahhhhh!]

------$$---
MARAMI na ang excited sa pagbabalik ni ex-Manila Rep. Mark Jimenez.
Marami kasi ang WALANG DATUNG.

-----$$$--
SABI ni MJ, wala siyang dapat ikahiya kahit NAKALABOSO siya sa US.
Kasi’y hindi siya nakulong sa PAGNANAKAW ng kuwarta.
Kundi nabilanggo siya dahil sa PAMIMIGAY NG PERA.
Tama nga si Congressman.
Teka, Congressman, pabilanggo ka uli—at AKO NAMAN ANG BIGYAN MO NG PERA.
Ngekkk!

------$$$--
ALIN kayang sa PUNTOD ni Fernando Poe Jr at Raul Roco ang dadagsain ng tao sa Nob. 1?
Kahit sa kabilang buhay ay NAGDADAIGAN sila.

----$$--
MUKHANG hindi nagawang arestuhin ng NBI si JIL leader Bro. Eddie Villanueva.
Eh, di lalong SUMIKAT ang anak ng BOCAUE.

-----$$$---
MARAMI ang nagdududa kung totoo ang girian nina Rep. Prospero Pichay at Rep. JDV para sa speakership.
Sabi kasi ng mga sabungero, isang TIYOPE si Pichay.
Ibig bang sabihin, bago siya sasabak sa botohan kay Kuneho ay IBIBITIN MUNA SIYA NANG PATIWARIK nang buong magdamag?

------$$$--
SINUSPINDE muna ang balak na pagpapalobo muli ng TOLL FEES sa North Luzon Expressway.
Magandang Pamasko yan ah.
Kahit sandali lang.

---30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home