Saturday, October 29, 2005

suriing mabuti

Editorial (30Oct05)

INAAKUSAHAN si dating Vice President Tito Guingona na nakikipagkutsaba sa mga makakaliwang puwersa o ideolohiyang Komunismo dahil pumayag siyang pamunuan ang tinatawag na People’s Court.
Kung teknikal na itinuturing na isang pagkilos ng mga Komunista ang People’s Court, maaaring ituring din itong isang lehitimong KANGAROO COURT.
Pero ang malaking problema ditto ay hindi kung sino ang bumubuo ng “hukuman” kundi kung sino ang lilitisin?
Lilitisin sa ilalim ng People’s Court ang pangulo ng Republika ng Pilipinas!
Maselang ito dahil maaaring akusahan ang mga taong nasa likod nito ng pambabastos sa commander-in-chief at Konstitusyon.
Hindi malayong kumilos din ang sekretong grupo ng AFP na itinuturong nagsa-salvage ng mga militanteng lider.
Dapat ay suriing mabuti ang legalidad ng naturang paglilitis sa People’s Court kung may nilalaba ba itong probisyon sa Konstitusyon o maituturing itong isang klase ng pag-aalsa.
Kapag nagkagayon, maramimg maaaresto at matitimbuwang sa gitna ng lansangan na posibleng pagsimulan ng isang giyera-sibil.
Ipagdasal nating manatiling matuwid ang mga kinauukulan at makatagpo ng tamang solusyon sa mga problemang itong unti-unting nagiging MASALIMUOT SA BAWAT ARAW.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home