Tuesday, December 06, 2005

blanca case

EDITORIAL (07Dis05)


BINUHAY ang kaso ng pagpatay sa actress na si Nida Blanca.
Tuwirang idinadawit naman ngayon ang nawawalang si Mike Martinez, Elena dela Paz at si dating Gen. Galileo Kintanar.
Gayunman, walang malilinaw na ebidensiya maliban sa testimonya o personal na pahayag ng mga bagong testigo.
Gaano ba katibay ang “testimonya” bilang ebidensiya? Hindi ba’y madali lamang itong bawiin o i-recant matapos ang ilang araw tulad ng ginawa ni Philip Medel? Pero kahit pa binawi ni Medel ang kanyang “drama”, umiikot ang kaso sa mga naturang suspek kaya’t isasailalim muli ito sa preliminary investigation sa kabila ng pagtutol mismo ng abogado ng pamilya ng nasirang aktres.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan si Martinez kaya’t hinihinalang sangkot sa kaso ang militar lalo pa’t dating hepe ng Intelligence Service ng AFP si Kintanar.
Sakaling makaagaw ng atensiyon ng publiko ang panibagong pagsisiyasat sa Nida Blanca case, papatok naman ito bilang bagong telenovela sa buhay ng mga Pinoy.
Yun nga lang, hindi na ito nakakatawa kundi NAKAKABUWISET na.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home