Tuesday, December 06, 2005

phonepal ni Garci

Bistado (07Dis05)


BINUHAY ang kaso ni Nida Blanca.
Mabuhay naman kaya si Marsha?

---$$$---
IBINUNYAG ni ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano na may WALONG KONGRESISTA at anim na senatorial candidates ang naka-PHONEPAL niya.
Hindi niya nilinaw kung ilan ditto ang nag-send ng SEXY JOKES.

---$$$---
TUMANGGAP ng BOMB THREAT ang US Embassy sa Maynila.
Na namannnn?

---$$$---
ITINALAGA bilang bagong Philippine Navy Chief si Vice Admiral Mateo Mayuga.
Hindi sana ito BAWIIN ni Ate Glo.

---$$$---
PINAPLANO na ang EAST ASIA economic union.
Huhhh, suntok sa buwan yan!

---$$$---
MAGSISILBING host ang Thailand sa susunod na 24th Southeast Asian Games.
Tingnan natin kung hindi sila MANDARAYA rin.

---$$$---
MATAPOS ang pagkakampeon sa SEAGames, ipopokus naman ngayon ng mga Pinoy ang atensiyon sa rematch nina Manny Pacquiao at Erik Morales sa Enero 21.
Sino naman kaya sa kanila ang MANDARAYA o MADADAYA?

---$$$---
MAGSISILBING kauna-unahang Pinoy at Asyano bilang KURA-PAROKO sa Roma ang tubong Bikol na si Fr. Jesus Marquiña Maraño matapos siyang italaga ni Pope Benedict VI.
Huwag sana siyang PATUKSO sa kanyang mga SEXY-TARY.

---$$$---
ILANG araw na lamang at Pasko na.
Pero amoy-tuyo pa ang simoy ng hangin.

---$$$---
NATAHIMIK si Susan Roces at Tita Cory.
Baka tumakbo ang FINANCIERS.

---$$$---
HINDI tumalab ang FERTILIZERS SCAM.
Sinapawan agad ito ng PAGLUTANG ni Garci ehh.
--- 30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home