Monday, January 30, 2006

Pordarecord

GUSTONG buhayin ng CBCP ang “Hello Garci” issue.
Gusto talaga nila ng BASAG-ULO.

----$$$--
NILUSTAY dawn g mga Kano sa isang CASINO sa Maynila ang milyong dolyar na RECONSTRUCTION FUND sa Iraq.
Ngekkkk, damay pa rin ang RP sa corruption sa Baghdad.
Sino kayang KOLOKOY ang nagturo ng sugal sa mga damuho?

----$$$---
NAGSUPILYO nang SABAY-SABAY ang 10,800 estudyante upang maitala sa Guinness book of world records.
Hindi kaya may isa pang record na naitala?Pinakamaraming TOOTHPASTE na nagamit sa pagsesepilyo sa isang araw.
Sumali rin kasi pati mga BUNGAL.

-----$$$---
TULOY pa rin ang laban ni Marine Captain Nicanor Faeldon kahit muli nasakote.
Tingnan natin kung MAKAKATAKAS uli siya.

----$$$---
PAPALITAN daw ni ex-Gambling lord Edward Hagedorn ang JUETENG ng bagong ESTILO.
Baka aktuwal niyang gagawing GAMBLING LORD ang mga mayor at hepe ng pulis.
Diyan na DADANAK ang dugo—dahil sa PARTIHAN.

----$$$---
NAGDIWANG ang Liberal Party sa kanilang anibersaryo.
Ginunita nila ang kanilang PAGKAKAWATAK-WATAK.

-----$$$---
PINANINIWALAANG magiging BILYONARYO sa taong ito si Manny Pacquiao.
Mas mayaman pa siya kaysa kay Ate Glo at iba pang politiko.
Paano siya ngayon MADIDIKTAHAN ng mga pulubi?

----$$--
SA totoo lang, Dapat na palayain natin si Pacquiao upang maging NORMAL NA TAO.
Bayaan natin siyang mag-ENJOY sa kanyang pamilya.
Maawa na kayo sa KAMPEON, binigyan kayo ng karangalan, GINUGULO pa ninyo.
Pweeeee!

----$$$---
PERO Dapat sanang tulungan ni Pacman si ex-two time world champion Luisito Espinosa.
Iyan ang PINAKADAKILA niyang magagawa.
At huwag na niyang IPAALAM SA MEDIA.
Lalo natin siyang hahangaan kapag nagawa niya yan.

----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home