Sunday, January 29, 2006

Dugo ng obrero

DESIDIDO ang GSIS na idiskaril ang pagtatangka ni Henry Sy gamit ang Banco de Oro na pakyawin o bilhin sa murang halaga ang bawat sosyo sa Equitable PCIBank kaya’t kailangang makipagtulungan ang SSS upang mailigtas ang kabuuang 41 porsiyentong capital na nagmula sa 26 milyong miyembro ng dalawang pension fund ng mga obrero.
Nakikiusap si GSIS President at General Manager Winston Garcia kay SSS President Corazon dela Paz na magtulungan sila upang mapangalagaan ang interest ng milyon-milyong miyembro sa pagtatangka ng Banco de Oro na bilhin sa bagsak-presyong P56 kada share ang sosyo ng GSIS at SSS sa Equitable PCIBank imbes sa P92 kada share na inaalok ng ibang pribadong kompanya.
Ito na ang ikalawang pagtatangka ng Pamilya ni Sy na bilhin sa murang halaga ang sosyo ng SSS na unang inalok sa napakababang P43.50 kada share pero ibinuko ng Association of Retired Persons (ARP) noong 2003 matapos pumirha sa commitment to sell si De la Paz kung saan maaaring malugi ang mga SSS members ng may P6 bilyon.
Bukod sa ARP, tinututulan ang hindi makatarungang alok na ito ng Banco de Oro ng Philippine Government Employees Associations (PGEA); Association of Concerned Employees for Better SSS (ACESS) dahil sa halos dugo at pawis ng milyon-milyong obrero ang madarambong sa kaduda-dudang transaksiyong ito.
Sana’y mamulat at magkaisa ang mga nangangasiwa sa GSIS at SSS sa pagkontra sa kakaibang maniobrang ito ng BDO upang masagip sa pagkatunaw ang premiums na ibinayad ng mga miyembro na siyang aktuwal na puhunan ng Equitable PCIBank.
Maawa naman kayo sa mga manggagawang Pinoy!
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home