Monday, May 29, 2006

(for BULGAR, May 30 issue)

PUMALO na sa 5,000 ang dedbol sa lindol sa Indonesia.
Baka NATUTULOG si Allah.

-----$$--
MATAPOS lumindol sa Indonesia, kinabukasan ay sa Papua New Guinea at ilang oras makaraan ito ay sa bansang Tongo.
Kahapon, nilindol na rin ang Laoag City.
Sa totoo lang, PAGHANDAAN natin ang mas MALALAKAS na lindol anumang oras.

----$$--
MARAMI ang nagtatanong kung hindi kaya KAININ nang buo ng dagat ang SM Mall of Asia na itinayo sa “reclamation area” sa Pasay City.
May mga nagsasabi na sakaling umatake ang Intensity 9 eathquake—maaaring LUMUBOG ang gusali sa sobrang bigat.

---$$--
NOONG Linggo, Mayo 28, umaapaw sa dami ng tao ang Mall of Asia at punumpuno ang mga “restaurant at fasfoods”, walang maupuan ang tao, ikot lang ng ikot.
Maghapong naggigitgitan sa ENTRANCE at EXIT ang mga umuusyoso dito.

---$$---
Ubod nang init sa loob—hindi kaya ng AIRCONDITIONING UNIT.
Sino ang may sabing DAMBUHALA ito?
Maliit ito kompara sa DAMI ng tao na nagpunta noong Linggo.

----$$--
Delikado ang STAMPEDE.
Sakaling LUMINDOL NANG MALAKAS noong Linggo, marami ang MATETEPOK sa Mall of Asia ni Henry Sy.

----$$$---
SA totoo lang, hindi naman sa PAGGUHO ng gusali, matetepok ang mga tao sa loob ng mall kundi sa stampede—o madadaganan sakaling mag-PANIC at magtakbuhan sa ENTRANCE at EXIT.
Dapat suriin ng mga awtoridad ang SM Mall of Asia upang makaiwas sa TRAHEDYA.
Nagpapaalaala lang naman.
Nag-uutos na rin!

------$$---
SA gitna ng banta ng malakas na lindol, maaaring DAMBUHALANG BAHA ang dumating.
Ibig sabihin, dapat ay talagang PREPARADO ang mga mamamayan.

---$$$--
NAKAPAGTATAKA naman ang gobyerno kung bakit panay PRESS RELEASE lang ang preparasyon.
Imbes na magsagawa ng BARANGAY ASSEMBLY sa ChaCha, dapat ay lumikha ng agarang KOMITE SA TRAHEDYA sa mga barangay sa buong bansa.
Iyan ang inyong lagyan ng BUDGET at i-training ang mga tao.

-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home