Monday, May 29, 2006

Trahedya

DUMARANAS ng sunod-sunod na trahedya ang Indonesia.
Dapat ay makapaglatag ng sistematikong programa ang gobyerno upang mabawasan ang negatibong epekto ng mga kalamidad.
Namumuro ang Pilipinas sa tatamaan ng malakas na lindol, tsunami, flash floods, landslide, epidemya ng bird flu, pagputok ng bulkan at maaari ring sunog.
Kung binigyan ng malaking budget ng publiko at pribadong sektor ang Charter Change campaign kung saan nag-imprenta ng PRIMER—bakit hindi ito gawin sa “disaster preparedness program”.
Maglabas ng milyong piraso ng mga “babala”, posters at paglalathala sa diyaryo at pagbo-brodkast sa radyo at telebisyon ng mga paalala sa mga kalamidad.
Maaari ring ipag-utos agad ng DILG ang paglikha ng Barangay Disaster Task Force at pondohan ang walang patid na training sa mga volunteers ng relief and rescue operations.
Sa ngayon, may espesyal bang training center ang gobyerno para sa mga volunteers sa panahon ng kalamidad?Wala!
Ibig sabihin, propaganda lamang at pang-MEDIA RELEASE ang mga talumpati at reaksiyon ng pamahalaan.
Mas binibigyan nila ng PRAYORIDAD ang mga aktibidad kung paano sila MANANATILI sa puwesyo kaysa sa mga aktibidad na MAGLILIGTAS ng buhay ng mga mamamayan.
Magpasalamat tayo at wala pang trahedya—SA NGAYON!
------30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home