Thursday, June 01, 2006

Pututoy ibinilad

(for BULGAR, Hunyo 2)

HUBO'T HUBAD na naglakad sa Espanya St. Maynila ang 30 out-of-school youths bilang PROTESTA ang mataas na singil sa matrikula.
Kahit pa magpa-KAPON o magpa-PUTOL ng PUTOTOY, hindi rin kayo papansinin ng gobyerno.

----$$$-
ILILIBRE ng Chicago sa US ang paggamit ng WIRELESS INTERNET.
Huhh, magkakatrabaho pati ng mg DOMESTIC HELPER sa cybersex.

---$$--
MAGSASAGAWA ng earthquake drills sa mga iskul.
May TAMA kayo dyann!

----$$--
DALAWANG bangko ang magkahiwalay na hinoldap kahapon sa Caloocan City at Cainta, Rizal.
Epekto na yan ng SOBRANG PAGDARAHOP.

-----$$---
MAGTATAAS na raw ng pasahe dahil sa sobrang taas ng presyo ng petrolyo.
Pukawnamoooo!

---$$--
PERO, iminumungkahi namang TANGGALIN ang STUDENT DISCOUNT kapalit ng fare hike.
Parurusahan ang mga ESTUDYANTE sa kahinaan ng mga kukote ng mga opisyal ng gobyerno.

---$$--
ITINALAGA bilang acting commissioner ng Philippine Racing Commission (Philracom) si dating PNP Chief Superintendent Florencio FIANZA kapalit ni Jaime Dilag na nakademanda sa Ombudsman.
At least, kahit mademanda ang bagong Philracom chief, hindi siya makukulong.
May FIANZA na agad siya.

----$$--
TINANGGAP ng dalawang INFORMERS ang tig-$500,000 bilang REWARD sa pagtuturo sa Abu Sayyaf.
Reward ito sa pagiging MAKAPILI.

----$$--
DUMALAW ang 2 Party List Representatives sa BUROL ng napatay na ex-NPA na si Sotero Llamas.
Ingat kayo, baka kayo ang ma-AMBUSH.

----$$$--
NAGTAAS na ng suweldo ang Hong Kong para sa mga domestic helper upang makaakit ng mga APLIKANTE.
Huhhh, puwede nang mag-abroad si Inday.

-----$$--
OKEY na rin kay FVR kahit manatili si Ate Glo hanggang 2-0-TEN.
Bumigay na rin pati si TABAKO.

----$$---
ISA-ISA nang nalilipol ang mga taga-Indonesia dahil sa BIRD FLU.
Isa ang natetepok EVERY-OTHER-DAY.

----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home