Friday, June 02, 2006

Mapait na katotohanan

( for BULGAR, June 03 issue)

NANINIWALA sina Senador Edgardo Angara at Sen. Richard Gordon na dapat nang paghandaan ang 2007 elections para sa mga senador, kongresista at mga local officials dahil imposible nang maipatupad ang Charter Change.
Nabatid na may budget na inilaan para sa naturang eleksiyon pero nakapagtatakang ibinubuyo pa rin ang ChaCha kahit imposible itong maipatupad dahil sa sobrang dami rin ng mga tumututol particular ang mayorya ng mga miyembro ng Senado.
Inaakala kasi ng grupo nina Speaker Jose de Venecia, Ate Glo at mga local government executives na mapupuwersa nila ang Charter Change at makakansela ang 2007 elections kung saan mananatili pa rin sa puwesto ang mga gobernadoer, mayor, bokal at mga konsehal na siyang aktuwal na “bayad” sa pagsuporta sa pagbabago ng Konstitusyon.
Napakasama at bistado ang motibo ng mga kolokoy.
Ang problema, hindi na praktikal ang kanilang “hilaw na pangarap” kasi’y limitado na ang oras at mga araw para ditto dahil sa kailangan pa ring ipatupad ang “legal na proseso” gaya ng beripikasyon sa milyon-milyong lagda at makapagdesisyon ang Korte Suprema sa mga nakahaing pagtutol.
Sa totoo lang, dapat nang paghandaan ang 2007 election dahil ito mismo ay naaayon sa batas na dapat ipatupad—at ditto na ipokus ang panahon upang maipatupad ito nang maayos at walang dayaan.
Kumbaga, tanggapin natin ang mapait na KATOTOHANAN—at iyan mismo ang MAGPAPALAYA sa atin.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home