Tuesday, June 06, 2006

Ate Vi, dapat paniwalaan

bistado—07june06

head:

TINIYAK ni Ate Glo na mananatili siya hanggang 2007.
Ganyan-ganyang din ang PAHAYAG nina Marcos at Erap bago napatalsik.

-----$$$---
ISA raw putatsing ang biktima ng rape sa Olongapo ng mga US marines.
Eh, libre bang REYPIN ang mga burikak?

----$$$---
MAY bago nang pangalan ang mga public school.
SARDINAS ELEMENTARY SCHOOL.

-----$$--
EH, ano naman daw ang bagong pangalan ng Pilipinas.
SALVAGING REPUBLIC OF THE PHILIPPINES: Sister country ng Iraq.

----$$$--
MAY tinepok na naming BAYAN MUNA leaders sa Samar.
Huhh, daig pa natin ang may BIRD FLU.

-----$$--
WALA raw budget ang ChaCha.
Kunwari.

-----$$---
INAMIN na naman ni Ate Glo na kapos ang bilang ng mga CLASSROOM.
Mahilig siyang magsinungaling.
Pero, umaamin naman.

-----$$--
HINATULAN ng anim na taong pagkakabilanggo ang isang dating pangulo ng Paraguay dahil sa pangungulimbat ng $16 million mula sa dalawang bangko.
Huhhh, hindi kaya ninerbiyos bigla si Pareng Erap?
At kinabugan din si Ate Glo?
Pag nawala na sila sa puwesto, puwede na silang TAMBAKAN NG KASO.
Ganti- ganti katwiran, magbayad ang may utang!!!

----$$---
NAGLAAN ng P1 milyong PABUYA sa sinumang makakaresolba sa tangkang pagpatay kay Batangas Gov. Armand Sanchez.
Umpppp! Umppphhhh!

----$$-
BIGLANG nagdeklara ng pagreretiro sa politika ang mayor-actress na si Ate Vi matapos ang bigong asasinasyon sa kanilang gobernador.
Natatakot din kaya siyang ma-AMBUSH.
May TAMA ka dyan, Ate Vi.
Mas masarap ang mabuhay nang TAHIMIK.
Sana paniwalaan ka nila!

-----$$--
IPINAGPIPILITAN ni climber Dale Abenojar na siya talaga ang FIRST PINOY na nakaakyat sa ituktok ng Mr. Everest.
Bakit kaya INILIHIM ng ABS-CBN at GMA-7 na may isa pang PINOY na umakyat sa naturang bundok gamit ang bahagi ng TIBET?
Hindi isyu ditto kung nakarating siya sa SUMMIT O HINDI—ang malinaw may nagtangka rin sa ibang pamamaraan.
Isang klase ito ng IMORALIDAD NG MEDIA—na dapat imbestigahan!
At ikondena.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home