Friday, June 02, 2006

Ala-Makoy din

(for BULGAR, June 03 issue)

NAGKASUNDO ang walong world superpowers na KASTIGUHIN ang Iran.
Tignan natin kung sino ang SUSUKO.

----$$--
INAMIN ni Leo Oracion na hindi niya NAITINDIG ang bandila ng Pilipinas sa ITUKTOK ng Mt. Everest.
Iyan ang pinakamapait na KATOTOHANAN.
Taliwas iyan sa INIUULAT NG MEDIA.

-----$$--
BUMABAGSAK na naman ang HALAGA ng PISO kontra dolyar.
Iyan na ang delikado.
Kasi’y wala naming nagaganap na DESTABILISASYON.

-----$$---
APRUB daw ang P125 salary hike.
Kuno!

----$$---
NAKALIGTAS si Batangas Gov. at suspected jueteng lord Armand Sanchez sa PAGSABOG ng kanyang sasakyan.
Huhhh, dahil kaya ito sa PARTIHAN?

----$$$--
SIXTY PERCENT daw ng mga PARAK ay nabubuhay sa POVERTY LINE.
Kaya pala pikit-matang ginagamit nila ang SERVICE FIREARMS sa panghoholdap.
Kaawa-awa naman pala sila—lalo na yung kanilang NABIBIKTIMA.

----$$-
SABI ng Malacanang: “Salvaging is not a state policy”.
Iyan din ang sinasabi ni MARCOS NOON.

----$$--
HINAMON ni Sen. Miriam Defensor Santiago si FVR na maglaban sa presidential election.
Muntik nang mahulog sa UPUAN ni Pareng Erap.
Baketttt, sila?

---$$$-
NAIIMPOSIBLEHAN si Sen. Ed Angara na matutuloy pa ang ChaCha.
Ang problema, walang NANINIWALA sa kanya.

-----$$$---
TINALO ng RP Chess Team ang Malaysia, 3.5- 0.5 upang makapasok sa Top 20.
Target nila ang Top 10 at mapantayan ang pinakagrandeng 7th place sa Nice Olympiad.

---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home