Wednesday, May 31, 2006

Balik- Grade One

(for; BULGAR, June 01 issue)

SINABON ni Ate Glo si Department of Education(DepEd) Secretary Fe Hidalgo nang ibunyag nito ang katotohanan na may malaking pagkukulang sa bilang ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Pinalayas sa cabinet meeting si Hidalgo at inutusan na rebyuhin ang datos at nang magbalik ito ay inamin niya na nagkamali siya—kahit tumpak ang kanyang paga-analisa.
Nakakatawa ang eksena.
Kasi naman ay nais ipilit ni Ate Glo na hindi kapos ang bilang ng silid-aralan kung ang ratio ng bawat klasrum ay 100 bata kada silid-aralan.
Nilinaw naman ni Hidalgo na sinuma niya ang kanyang istatistik batay sa 45 estudyante kada klasrum na siyang ideyal at angkop upang matuto nang maayos ang mga mag-aaral.
Sa ngayon, ipinagmamagaling ng mga awtoridad na may dalawang shift—na gumagamit ng iisang silid-aralan.
Kumbaga, mag-aaral ang 50 bata sa umaga at uuwi na; sa hapon, panibagong 50 estudyante na gagamit din ng naturang klasrum.
Sa istatistika ng Malacanang, hindi kapos ang bilang ng silid-aralan sa ganyang sitwasyon.
Sino kaya ang niloloko ng Malacanang?
Si Hidalgo?
Ang media?
Ang mga estudyante, guro at magulang?
O ang kanilang sarili?
Dapat silang mag-BALIK SA GRADE ONE!
Iyan ay kung mayroon pang natitirang silid-aralan.
-----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home