Wednesday, May 31, 2006

Una sa telebisyon

(for BULGAR, June 01 issue)

NAKIPAGKITA kay Ate Glo ang tatlong nagke-CLAIM na MGA UNANG PINOY na nakarating sa ituktok ng Mt. Everest.
Ayusin natin nang bahagya.
Unang tatlong Pinoy na na-TELEVISED NANG UMAKYAT SA MT. EVEREST.
Yung mga naunang PINOY na nakaakyat sa Mt. Everest Summit ay hindi NA-TELEVISED!
----$$--

GAGAMIT ng 2,000 sundalo ang Philippine Navy upang palayasin sa kani-kanilang TAHANAN ang 115 overstaying retired enlisted personnel sa Fort Bonifacio.
Diyan na MAWAWASAK ang AFP.
----$$$---

IPATUTUPAD na ang National ID System.
Matapos magka-ID ang mga kobrador ng jueteng, bibigyan naman ng ID ang mga MANDURUKOT, PUTATSING at mga HOLDAPER.
-----$$--

ISASARADO daw ang mahigit 12 DORMITORYO sa Maynila dahil sa paglabag sa building code.
At hindi paglalagay?
----$$$---

PINAGBABARIL ng mga suspected NPA ang Globe telecom tower sa Camarines Sur dahil sa hindi pagbibigay ng REVOLUTIONARY TAX.
Pwede kayang KOPYAHIN yan ng BIR kontra sa mga TAX EVADERS?
Kapag nangyari yan, magmimistulang Baghdad ang Maynila.
----$$--

IBINUNYAG ni Pareng Erap na nagkaroon ng SABWATAN ang pagpapatalsik sa kanya sa Malacanang.
At natalo siya sa DISKARTE.
----$$$--

NANGANAK sa isang ceasarian operation ang Holywood actress na si Angeline Jolie na sinasabing ama si Brad Pitt.
Yun ang akala nila.
-----$$$--

PAPALO na sa mahigit 6,000 katao ang namatay sa lindol sa Indonesia.
Mukhang nabibiyak na ang mundo.
----$$-

DEDBOL ang 54 katao sa serye ng suicide bombers sa Iraq.
Lalong nagiging GRABE ang sitwasyon habang nagyayabang si US Prex George Bush.
---$$$---

PUMAYAT na raw si Manny Pacquiao.
Dahil sa sobrang takot sa “MGA BIYENAN”.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home