Monday, January 15, 2007

AIDS- HIV virus

(Bulgar newspaper, for: january 17 issue)

GINAROTE na rin ang dalawang ayudante ni Saddam Hussein.
Sila ang GOMBURZA sa Baghdad.

----$$---
UMATRAS na rin bilang kandidatong senador si Tourism Sec. Ace Durano.
Huhh, baket may NAKAKAHAWANG SAKIT ba si Ate?

----$$$---
HINDI na raw MAGPAPAGAMIT sa eleksiyon ang AFP.
Ha! Ha! Ha!

-----$$$---
LUBOS na nagpasalamat si Ate Glo sa mga foreigners na dumalo sa ASEAN SUMMIT.
Nagpabola kasi sila.

----$$$---
BUKOD kay Pasay City Mayor Peewee Trinidad, sinibak na rin ng Ombudsman ang gobernador ng Iloilo.
Pukawnamoooo!

----$$$--
ANO raw ang tunay na dahilan sa pag-alis sa Eat Bulaga ng isang LADY COMEDIAN?
Dati-dati ay mayroon ding isang lady comedian na lumayas sa naturang programa dahil umano sa HINIPUAN siya sa WETPU.
Ano naman kaya ang SANHI ngayon ng bagong kontrobersiya?Baka naman “AYAW SIYANG HIPUAN”.
Ngekkkkk!

-----$$$$---
NAGSAGAWA ng “partial strike” ang mga obrero sa pabrika ng HYUNDAI sa South Korea.
Huwag kayong magtaka kung “bawas din ang gulong” ng bagong Hyundai hah?

----$$$----
NAG-FILE na ng certificate of candidacy ang Marcos Loyalist na si Atty. Oliver Lozano bilang kandidatong senador.
Baka kasi siya MAUBUSAN ng forms.

-----$$$---
AYON kay Ate Glo sulit ang BILYONG PISONG inubos sa ASEAN SUMMIT.
Magarbong PAGYAYABANG.

-----$$$----
SINIMULAN na ang bagong “telenovela” ni Angel Locsin .
Kaya pala ginamit niya si “OYO” sa publisidad.

----$$$---
IBINASURA ng Japan ang MOON EXPEDITION.
Baka gagamitin na lang nila ang PONDO sa pagbili ng NUCLEAR BOMB kontra North Korea.

-----$$$--
TEKA, may nag-react kaugnay ng paggamit natin ng “salitang AIDS-HIV virus” na idinikit natin sa katagang “pandidiri”.
Sorry kung nasaktan natin ang mga “nagdurusa” sa problemang ito, pero isang PARAAN din natin ito upang “mamulat” ang lahat—sa PAG-IINGAT.

----$$$---
Pero ang “isyu” ay hindi po AIDS-HIV kundi ang “KANSER” ng lipunan—kung saan idinidikit din mismo ng ilang kritiko sa MASAMANG REPUTASYON ng Malacanang.
Isipin mong mabuti, Sir Eric, puwede ko bang gamitin na may SIPON O LAGNAT si Ate Glo kaya't pinandidirihan?

----$$$---
Gayunman, MARAMING MARAMING SALAMAT po sa reaksiyon.
Hayaan ninyo, iingatan natin ang paggamit ng AIDS-HIV.
Tonsilitis na lang siguro o kaya ay DIARRHEA—may “pumansin” naman kaya sa ating LAST LINE?
Thanks po sa pagsubaybay!
Susundin natin ang payo ninyo!
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home