Monday, January 15, 2007

Drugs sa chess games

( Bulgar newspaper, january 16 issue)

INISNAB ng mga ARAB countries sa Middle East ang bagong strategy ng US sa Iraq.
Ooops, dumarami na ang KALABAN NG MGA KANO.
Kapalmuks kasi, eh.

----$$---
SINUNSPINDE na rin ang gobernador ng Batangas.
Kapwa naman nasasabit ang Batanguenos din na sina ex-Gov. Leviste at ex-DOJ Sec. Nani Perez.
Talagang MINAMALAS ang mga Batanguenos.

-----$$$---
PERO, huwag ka, may isang Batanguenos ang sinusuwerte.
Siya si Eduardo Ermita.
Kaya't mag-SEPSEP na rin kayo, noh???

----$$$---
KINUMPIRMA ni ex-Manila Rep. Mark Jimenez na susuportahan niya ang ESTAFA case laban sa apat na bigtime businessmen na NANLOKO ng milyon-milyong SCHOLARS gamit ang raket sa EDUCATION PLANS.
Handa raw si MJ na mag-ala Captain Barbell para lang masagip sa pagtigil sa pag-aaral ang mga estudyante na na-RAKET ng milyong-milyong premiums.

-----$$$--
PERO nilinaw ni MJ na hindi siya kakandidatong meyor sa MAYNILA.
Baka raw kasi siya MANALO.
Magkaroon kasi ng traffic araw-araw sa Taft Avenue hanggang Avenida dahil sa NAKAPILANG hihingi ng tulong nang maghapon at magdamag.

-----$$$---
TEKA, kung mananalo si MJ sa kasong $2 million EXTORTION case laban kay ex-DOJ Sec. Nani Perez, mababawi niya ang nakotong sa kanya na kumpirmadong naka-FREEZE ngayon sa Switzerland.
Pwes, puwede na niyang bilhin ang Jolibee at Kenny Rogers—para sa LIBRENG-TSIBOG araw-araw sa mga nagdarahop.

-----$$$--
IBINUNYAG ang “game-fixing” sa serye ng mga national chess tournament.
May isa pa akong expose na puwedeng maka-GULAT sa lahat.
Alam ba ninyong, may mga players din na nagdo-DROGA bago maglaro?
Ano ang motibo?
Para MAKALMANTE at huwag nerbiyusin---isang SECRET WEAPON yan sa chess.
Alam kaya yan ni Butch Pichay?
Kwidaw!

-----$$$---
PERO, mahirap mahuli ang mga “nagda-drugs” na chess players.
Kasi'y hindi naman “steroid” o banned drugs ang kanilang tini-take.
Kundi simpleng “drugs” na puwedeng “gamitin” para mawala ang NERBIYOS.

---$$$--
Mahalagang maimbestigahan din ito upang “maging patas” ang mga laro at siyempre, ipagbawal ang mga “specific drugs” na nakakatulong sa “players”.
Dapat “isama” ang “drugs provision” sa tournament rules.
Wala pa ng ganitong “patakaran” maging sa INTERNATIONAL CHAMPIONSHIPS.
Pag-aralan ninyo—MALAKING TULONG ito sa “daigdig ng chess”.

------$$$--
ANG problema kasi sa kasalukuyang lider ng lipunan, nag-iisip sila “batay” sa nakamihasnan—pero hindi nagi-INOBASYON batay sa aktuwal na karanasan at pagbabago ng kalarakan o kultura.
Taliwas sa “physical sports”, “intellectual game” ang chess-- kaya't dapat bantayan ang mga “drugs” na may kaugnayan sa “nervous system” at “utak”.
High tech ang ating expose na yan, hindi ba?
Kakaiba yan kaya't dapat kakaiba rin ang SOLUSYON!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home