Saturday, January 27, 2007

Bopol blues

(Bulgar newspaper, january 29 issue)

UMIIWAS ang Malacanang na mapasakamay ni Ate Glo ang panukalang batas para sa karagdagang P125 kada araw na suweldo na pinagtibay pareho ng mayorya ng mga kongresista at senador.

Nais ng kanyang mga “tuta” sa Kamara ng mga Representante na ibalik ito sa debate!

Masyadong halatado ito.

Ginagawa nilang TANGA ang mga obrero.

Akala kasi nila ay Grade One lang ang natapos ng mga obrero.

Iyan ang problema sa mga advisers ni Ate Glo, madalas inusultuhin ang “talino” ng kapwa Pinoy.

Pero, sa aktuwal—ay bistadong-bistado sila ng ordinaryong mamamayan sa PANGGOGOYO sa publiko.

Nakapagtataka namang maraming kongresista ang nagpapagamit sa ganitong modus operandi na isang klase ng “kamangmangan”.

Dapat ay magkaroon ng tapang si Ate Glo na i-veto o tanggihan ang pagpapatibay ng naturang batas kung ito ay tunay na MAKAKASAMA sa ekonomiya sa pamamagitan nang maayos na pagpapaliwanag sa taumbayan.

Pero ang lokohin o goyoin ang mga Pinoy sa simpleng pagdiskaril sa naturang batas ay ebidensiya ng PANG-IINSULTO sa katinuan ng mga mamamayan.

Ang ganitong klase ng maniobra ay tipikal sa administrasyong Arroyo.

Hindi ito nalalayo nang ideklara niyang hindi siya kakandidatong pangulo, pero nagsumite rin ng certficate of candidacy.

Naloko rin ni Ate Glo ang CBCP nang sabihin, welcome sa kanya ang “impeachment proceedings” pero idiniskaril ito agad ng kanyang mga ayudante nang hindi man lamang naka-first base sa Kongreso.

Hindi raw siya nagkasala sa “Hello Garci scandal”, pero humingi siya ng sorry.

Kailan kaya siya magbabago?

---30--




0 Comments:

Post a Comment

<< Home