Friday, January 26, 2007

Nakababa ang pantalon

(Bulgar newspaper, 27 january issue)

UMAMIN si Atong Ang sa kasong PANUNUHOL.
Oh, e, di HATULAN na siya agad.

----$$$---
UMAMIN din si Tita Cory na hindi siya kailanman naging IDEAL PRESIDENT.
At least, ALAM NIYA noh?

----$$$---
SANGKATUTAK ang bulaklak na inialay sa pagyao ni dating vice governor candidate na si Raymond Pagdanganan, 27, anak ni ex- Gov. OBET ng Bulacan.
Sa totoo lang, kahit DOBLEHIN ang laki ng CHAPEL kung saan nakaburol ang labi ni Raymond sa Calumpit, ay hindi pa rin ito MAGKAKASYA.
Namatay ang biktima sanhi ng CAR ACCIDENT.
Karaniwang sanhi ng KAMATAYAN ng mga tao ang vehicular accident--higit sa mga biktima ng alinmang epidemya taon-taon.

-----$$$---
KASAMA po nating dumalaw sa burol ni Raymond sa Calumpit ang kakandidatong mayor sa Balagtas, Bulacan na sina ex-Mayor Bert Carating at ang kapartner niyang aspirante bilang bise alkalde na si ex-Councilor Ogie de Guzman.
Kitang-kitang ang KALUNGKUTAN ni ex-Gov. Obet sa pagyao ng kanyang UNICO-HIJO.

----$$$---
HANDANG magpakulong si Comelec Chairman Benjamin Abalos kapag ipinilit daw ang AUTOMATED ELECTION.
Aba, hindi ka naman talaga dapat MAGPAKULONG.
Dapat ay MAG-RESIGN ka.

-----$$$---
NAGMAMANIOBRA na ang Catholic bishops kaugnay ng May elections.
Nag-eensayo na silang MAGTALUMPATI.
At mamudmod din ng BIGAS at SOBRE?

-----$$$---
TUMULAK na tungong Europe si Ate Glo.
Para mag-deposit sa Swiss account o mag-withdraw?

----$$$---
ANO ang pagkakapareho nina Abu Solaiman at ex-Sen. Gringo Honasan?Pareho silang “nasakote” habang “NAKABABA ANG PANTALON”.

----$$$---
MAG-UUSAP ang Iran, Syria at Iraq.
Para PAGTULUNGAN ang US.

----$$$---
DINOBLE ng US ang MILITARY FLEET sa Gulpo.
Indikasyon ito ng panibagong giyera.

----$$$--
AYON sa isang batikang Hollywood movie director: Patay na raw ang FILM INDUSTRY!
Nasapawan na ito ng modernisasyon: DIGITAL MOVIES!
-----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home