Friday, January 26, 2007

Film industry patay na

(Bulgar newspaper, 27 january issue)

NILAMON na ng teknolohiya ang ating henerasyon.
Inamin ni Hollywood movie director David Lynch na PATAY NA ANG FILM INDUSTRY.
Hindi na siya kailanman gagawa ng pelikula gamit ang sinaunang mga dambuhalang camera.
Na-enjoy niya ang paggamit ng light digital cameras sa mga shooting—partikular ang pinakahuling pelikula na “Inland Empire”.
Dati-dati ay mag-aantay pa siya nang isang araw na ma-developed o maproseso ang “film” bago siya mag-edit. Pero, ngayon, ultimo-segundo—ay mabilis niyang napoproseso at nae-edit ang mga eksena.
Bukod dito, ang mga digital films ay diretso na ring mapapanood agad sa internet na makaaabot agad sa bawat tahanan.
Huwag ka, mapapanood na rin ito gamit ang cellphone!
Ano pa ang hahanapin mo?
Ang digital movie industry ay isa lamang na bunga ng modernisasyon na aktuwal na pinagpapasaan ng ating henerasyon.
Nakapagtataka namang ikinagulat ni Comelec Chairman Benjamin Abalos ang pagsasabatas ng POLL AUTOMATION LAW na para bang bulalakaw na biglang dumating sa kanyang tanggapan.
Dapat ay personal at seryosong pinaghadaan ng Comelec ang naturang batas upang mabilis itong maipatupad.
Imbes na tanggapin ito nang maluwag sa puso, isip at kaluluwa, nagpahayag si Abalos na magpapakulong na lamang siya kapag pinuwersa ng mga atworidad ang implementasyon ng naturang batas.
Nakupp, inililihis lamang niya ang isyu.
Ang mahalagang dapat niyang gawin kung wala siyang kakayahang ipatupad ito, ay MAGBITIW siya!
Kailangan natin ang mga opisyal ng gobyerno na nakakasabay sa NAGBABAGONG KALAKARAN sa lipunan bunga ng modernisasyon sa teknolohiya.
Nagdududa tuloy ang ilang kritiko sa negatibong reaksiyon ni Abalos.
Maaari kayang “tapos na” ang RESULTA NG MAY ELECTION—kaya't hindi na maaaring i“ENCODE” pa ang “BAGONG RESULTA” sa Mayo?
Nananatili pa rin kaya sa Comelec ang kampon ni Garci boy?
------30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home