Saturday, January 27, 2007

No contest kay Pacman

(Bulgar newspaper, jan. 29 issue)

PINAGREREKOMENDA ni Ate Glo ang oposisyon ng ASPIRANTE para sa bakanteng puwesto sa Comelec.
Klap! Klap! Klap!

----$$$--
BINUWAG ng pulisya ang mga anti-Willie at pro-Willie fans ng Wowowee sa tapat ng ABS-CBN.
Natakot sila sa PANIBAGONG STAMPEDE.

----$$$--
NATUKLASAN na magkakaibang grupo ang UTAK ng serye ng SALVAGINGS sa Pilipinas.
Higit pa ito sa CIVIL WAR.
Ibig sabihin, wala nang BATAS.

-----$$$---
PINURI ni US Prez George Bush si Ate Glo sa pagkakapatay sa mga lider ng Abu Sayyaf.
Mistulang pinuri niya ang PAGPATAY NG PINOY SA KAPWA PINOY.

----$$--
SINIMULAN na ang Comelec checkpoint.
Huwag kayong mangongotong hah?

----$$$---
LUMINDOL na naman sa Indonesia.
Huhh, baka magugunaw na ang NATURANG BANSA.

----$$$---
WALA pa ring suspect sa pagpatay sa isang meyor sa Samar.
Baka wala pa silang TINOTORTIYUR.

----$$--
UMAASA si Ate Glo sa UNITY TICKET.
Kung gayon, umaasa siya sa WALA.

---$$--
INALERTO ang NAIA sa mga may BIRD FLU.
Itago ninyong mabuti ang inyong mga BIRDS.

----$$---
NAKIUSAP ang Pilipinas sa Nigeria na huwag gamitin ang COMMANDOS sa pagliligtas ng 24 OFWs na kinidnap sa naturang bansa.
Baka kasi ang mga BIKTIMA ang matepok ng mga bala.

----$$---
KAKANDIDATO raw meyor sa GenSan si Manny Pacquiao.
Ngayon lang siya MANANALO nang “NO-CONTEST”.

----$$$--
KAPAG naging meyor si Pacman, hulaan ninyo kung ano ang kanyang UNANG PROYEKTO.
Bibigyan niya ng tig-iisang PARES NG GLOVES ang mga sundalo ng AFP at MILF.
Tapos ang giyera sa Mindanao.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home