Saturday, January 20, 2007

boksingbol

(Bulgar newspaper, january 21 issue)

PANIWALAAN-DILI!
Gamit ang missiles, pinasabog ng China ang isang sattelite na nakalutang ere.
Inatake ng matinding nerbiyos si US President George Bush nang makumpirma ang naturang ulat.
Ang “sattelite” ay mistulang buwan o “moon” na ginagamit ng US at iba pang mauunlad na bansa sa telekomunikasyon hindi lamang bilang ordinaryong gamit sa teknolohiya kundi maging sa PANINIKTIK sa mga kaaway.
Sa Pilipinas, nakatutok din sa ibabaw ng ating teritoryo ang US sattelite na aktuwal na ginagamit sa paniniktik sa Abu Sayyaf kaya't nalalaman nila kung saan nagtatago ang mga kalaban kahit sa pinakaliblib na kagubatan o kabundukan.
Naituturo ng SATTELITE ang “specific targets” na mismong ginamit kung paano napatay si Abu Solaiman at Abu Sabaya ng Abu Sayyaf.
Pero sa totoo lang, ang Sattelite ding ito ang ginagamit sa Afghanistan, Iraq, Iran, North Korea upang matukoy kung saan nakapuwesto ang “nuclear plants” at kuta ng mga kalaban ng US.
Walang ibang bansa na may teknolohiya upang bombahin at wasakin ang mga naturang sattelite kundi ang US lamang, pero nagulat sila nang malamang NAGTAGUMPAY ANG CHINA sa pagwasak ng SATTELITE na nasa atmospera ng daigdig.
Inamin mismo ng US, hindi na ligtas ang kanilang nakalutang na SATTELITE partikular ang ginagamit nilang PANINIKTIK sa Taiwan at Mainland China.
Sakaling magkagiyera o matiyak na China na ginagamit ng US ang SPY Sattelite sa pang-aagrabiyado o paniniktik sa kanilang bansa—walang duda na pasasabugin din nila ito.
At iyan ang pinakadelikadong intriga ngayon: Maaaring pagsimulan ito ng World War III.
-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home